
Ang ex-partner ko (25F) ay nakasama ko ng 7 buwan. Noong una, masaya at maayos naman ang takbo ng relasyon namin. Halos araw-araw magkasama kami at sa sobrang lapit namin sa isa’t isa, dumating sa point na nalaman kong buntis siya ng 5 months. Ako ang tatay dahil halos lahat ng oras magkasama kami. Pero habang tumatagal, mas lalo akong napapaisip kung tama ba ang pinasok kong relasyon.
Kadalasan, ang bonding namin ay check-in. Sabi niya, dati raw ganoon din sila ng mga ex niya—hindi sila masyadong lumalabas sa mall o nagla-long ride. Pero sakin daw niya lang naranasan yung mga simpleng lakad na parang normal na date. Dahil doon, naniwala ako na baka ako ang kakaiba at ako ang magbibigay ng mas maayos na relasyon sa kanya.
Pero habang dumadaan ang mga araw, mas lalo akong nagiging curious. Nagkaroon ako ng ugali na magtanong at mag-background check tungkol sa kanya. Doon ko nadiskubre na marami pala siyang body count. Mas lalong nakapagpabigat sa isip ko nung nalaman ko na tatlo sa kanila ay naging f* buddy** lang at karamihan pa ay hindi protected. Para sa akin, napakalaking issue nun kasi nagdadala yun ng takot at duda sa sitwasyon namin.
Habang nalalaman ko lahat ng iyon, nagiging conflicted ako sa sarili ko. Naisip ko, “Kung ganito pala ang past niya, kaya ko ba talagang tanggapin?” Hindi rin kasi maitatanggi na may mga ugali siyang immature, at parang hindi niya masyadong iniisip yung mga ginagawa niya. May nababasa pa akong mga posts na kapag ang babae raw ay maraming body count, parang hindi siya kuntento at mas nagiging miserable sa buhay. At aaminin ko, minsan naiisip ko kung totoo ba iyon.
Ngayon, parang mas lalo akong naguguluhan. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipaglaban ang relasyon na ito. May bata na nadadamay at ako ang magiging tatay, pero sa kabilang banda, ang tiwala ko sa kanya ay unti-unti nang nawawala. Ang bigat lang isipin na baka sa huli, ako lang din ang masasaktan.