Ang panukalang batas na magbababa sa edad ng criminal liability sa 10 taong gulang ay umusad na sa Senado. Ayon kay Senador Robin Padilla, ito ay para lamang sa mga batang sangkot sa karumal-dumal na krimen tulad ng rape at hold-up.
Nilinaw ni Padilla na kahit bata pa, dapat ay alam na nila ang kanilang pananagutan. Binanggit din niya ang masamang impluwensya ng internet sa ugali at pag-iisip ng kabataan ngayon.
Sa interpelasyon, sinabi ni Senador Raffy Tulfo na sa ibang bansa, mas mababa pa ang edad ng criminal liability — 10 taong gulang sa Australia at United Kingdom, at 7 taong gulang sa Brunei at India.
Dagdag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, may mga pagkakataon na ang mga bata mismo ang bumubuo ng sindikato. Kapag nahuhuli, palagi na lang nilang ipinapakita ang kanilang birth certificate para makaiwas sa mas mabigat na parusa.