Ang bagong track version ng Yangwang U9 ay kayang maglabas ng higit sa 3,000 horsepower, tatlong beses na mas malakas kaysa sa regular na modelo. May apat na electric motor ito, isa sa bawat gulong, na bawat isa ay may lakas na 744 horsepower, kaya total na 3,019 horsepower ang output nito.
Makikita sa mga dokumento na may malapad na gulong na 325/35/20 at bigat na 2,630 kilo ang sasakyan. Bagamat halos pareho pa rin ang itsura nito sa standard na U9, pinahusay ang aerodynamics para sa mas maganda at mabilis na performance sa track.
Hindi pa sigurado kung kailan ilalabas ang high-powered na bersyon na ito, pero kapag nag-produce ito, magiging isa ito sa pinakamalakas na electric supercar sa merkado. Ang presyo nito ay maaaring umabot ng mahigit P15 milyon, base sa power at teknolohiya na gamit nito.