
Ang DJI ay naglunsad ng kanilang unang 360º camera na tinawag nilang Osmo 360. May malaking 1-inch sensor ito na kayang kumuha ng malinaw na 8K video hanggang 50 frames per second (fps), isang bagong teknolohiya sa industriya. Ang unique nitong square sensor ay nagbibigay ng mas malaking gamit ng sensor, kaya mas maganda ang kalidad ng kuha at mas matipid sa baterya.
Kaya ng Osmo 360 na mag-record ng 8K video nang tuloy-tuloy hanggang 100 minuto sa 30fps, na wala pang ibang 360 camera na kaya. Bukod sa video, ito rin ang may pinakamalinaw na 360º larawan dahil sa malaking pixels na doble sa karaniwang laki, kaya mas detalyado at mas maganda kahit sa madilim na lugar. May mataas din itong dynamic range na 13.5 stops.

May iba pang features tulad ng 100fps recording sa 4K, control gamit ang gesture at boses, at mabilis na switch sa front at back lens habang nagre-record. Pwede rin itong gamitin bilang first-person camera na may ultra-wide angle at mataas na fps para sa action shots. Magaan lang ito, 183 gramo, at may 105GB built-in storage. Sa tulong ng Battery Extension Rod, tumatagal ng hanggang 180 minuto ang battery.
Presyo nito ay nagsisimula sa humigit-kumulang ₱31,000 pesos sa official website.