Ang content creator na si Bea Borres ay kumpirmadong buntis. Sa isang video na ibinahagi niya sa social media noong Agosto 12, sinabi niyang “It was never meant to be a secret” at ipinakita ang kanyang pag-share ng balita sa malalapit na kaibigan gaya nina Andrea Brillantes, Toni Fowler, at Alex Gonzaga.
Sa video, emosyonal na sinabi ni Bea, “I want to say sorry to myself ’cause this isn’t how I imagined doing this. Pero proud ako sa sarili ko kasi kaya ko, kinakaya ko at mahal ko na puwede kang maging pinakamalaking blessing na matatanggap ko sa buhay.”
Dagdag pa niya, hindi niya inaasahan ang pagbubuntis ngunit masaya siya at handang yakapin ang pagiging ina. “I’d really be the best mom. Totoo na hindi ako handa pero sa tingin ko wala talagang naghahanda sa pagiging ina,” sabi niya.
Bago pa man ang kumpirmasyon, kumalat na ang tsismis tungkol sa kanyang pagbubuntis matapos mag-post ng isang blind item ang isang internet personality. Sa kabila nito, maraming netizens ang nagpadala ng pagbati at suporta para kay Bea.
Marami ang nagkomento ng kanilang saya at pagkaka-relate sa sitwasyon ni Bea. Isang netizen ang nagsabi, “Cried with you… I wasn’t prepared din noon pero kaya ko, kaya mo rin. I’m happy for you.” Isa pa ang nagbigay ng biro at pagbati, “Congratulations Bea! Good luck sa pagiging momshie.”