Ang Lamborghini Temerario ay higit pa sa pagiging kapalit ng Huracán—ito ay bagong imahe ng modernong supercar. Isa itong plug-in hybrid na may tatlong electric motor at twin-turbo V8 na umaabot hanggang 10,000 rpm. May kabuuang 920 hp at loaded sa makabagong teknolohiya at aerodynamics, kaya tinawag itong “starter” model para sa mga nais pumasok sa mundo ng Lamborghini, ngunit may performance na pang-top level.
Sa Estoril Circuit sa Portugal, sinubukan ang Temerario sa track at ipinakita nito ang lakas sa bilis, liksi, at preno. Mula 0-100 km/h sa loob lamang ng 2.7 segundo at kaya umabot ng halos ₱51.7 milyon ang presyo, malinaw na hindi lang ito display car—ito ay pangkarera rin. Ang disenyo ay agresibo: shark nose, hexagonal DRLs, at aerodynamic lines na may silbi sa paglamig at stability. Sa loob, mararamdaman ang “feel like a pilot” vibe na may carbon fiber, Alcantara, at digital displays para sa driver at passenger.
Sa performance side, ang twin-turbo 4L V8 ay may kasamang axial-flux electric motor at dalawang front electric motors para sa torque vectoring at all-wheel drive. Kaya nitong magmaneho nang tahimik sa “City” mode gamit ang kuryente, o maglabas ng matinding lakas sa “Sport” at “Corsa” mode. Ang carbon-ceramic brakes ay matatag kahit sa matinding init at bilis, habang ang bagong chassis ay mas matibay ng 20% kumpara sa Huracán.
Sa track, napahanga nito sa cornering at stability. Ang torque vectoring ay nagtanggal ng understeer, at ang drift mode ay nagbigay ng kontroladong saya para sa mga mahilig sa sideways action. Kahit may mas malalakas na V12 na modelo si Lamborghini, ang Temerario ay patunay na ang isang “starter” Lambo ay puwedeng maging kasing tapang, bilis, at saya ng top-tier na supercars.