
Ang MRT-3 ay magbibigay ng libreng sakay tuwing Miyerkules ng Agosto para sa mga pasaherong may National ID. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay gaganapin sa mga petsang Agosto 6, 13, 20, at 27.
Libre ang sakay mula 9:00 AM hanggang 11:00 AM at 6:00 PM hanggang 8:00 PM lamang.
Layunin ng programang ito na palawakin ang paggamit ng National ID para sa mas mabilis at mas madaling mga transaksyon, lalo na sa mga pampublikong serbisyo.
Pwedeng ipakita ang pisikal na kopya ng National ID, ang printed paper version, o digital copy para makapasok sa service gate at makakuha ng libreng sakay.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng kampanya ng gobyerno para gawing mas kapaki-pakinabang ang National ID sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.