Ang inaabangang laro na GTA VI ay inaasahang kikita ng napakalaking ₱560 bilyon sa kabuuan ng kita nito. Ayon sa ulat, ang presyo ng bawat kopya ay inaasahang nasa ₱5,600 (katumbas ng $100).
Isang gaming analyst ang nagsabi na GTA VI ang pinakamahabang hinihintay na laro at posibleng maging isa sa pinakamahal na laro na nagawa. Inaasahan din na kikita ito ng mahigit ₱56 bilyon (₱1 bilyon USD) sa unang araw ng pagbebenta pa lang.
May pagtataya na aabot sa ₱84 bilyon (₱1.5 bilyon USD) ang gastos sa paggawa ng laro. Gayunpaman, makikinabang pa rin nang malaki ang kumpanya dahil bukod sa presyo ng laro, kikita pa ito ng humigit-kumulang ₱28 bilyon kada taon mula sa GTA Online.
Sa kasalukuyan, malakas ang kumpiyansa ng merkado sa kumpanya na gumagawa ng GTA VI. Nakatakdang ilabas ang laro sa Mayo 26, 2026, at inaasahang magiging isa sa pinaka-kumikitang laro sa kasaysayan.