
Si Dexter Barsigan ay 13 taon nang kumikita sa pag-disassemble ng lumang laptops at air conditioners gamit lang ang kamay at pliers. Siya ay isa sa mga “mambabaklas” na nag-aalis ng metal gaya ng nickel, aluminum, at copper para ibenta sa junk shop. Ayon kay Barsigan, “Dismantling helps us put food on the table. Ito ang paraan para mapag-aral ko ang mga anak ko.”
Kadalasan, sinusunog ng mga manggagawa ang balot ng kable para makuha ang tanso, na naglalabas ng lason gaya ng lead, mercury, at cadmium. Ayon sa Department of Environment, ang e-waste ay delikado at maaaring magdulot ng cancer, sakit sa baga, at pinsala sa nerves. Maging ang World Health Organization ay nagbabala na ang exposure sa e-waste ay nakakaapekto sa buntis at bata.
Sa Onyx Street, maraming pamilya ang nakatira at nagtatrabaho sa pagbabaklas. Ayon sa lokal na health center, halos kalahati ng 12,000 residente ay may problema sa paghinga, lalo na mga bata. Maraming kaso ng pneumonia at iba pang respiratory illness dahil sa usok mula sa pagsunog ng kable.
Kahit alam ang panganib, mas inuuna ng mga manggagawa ang kita. Ang copper mula sa circuit boards ay binebenta ng hanggang P470 kada kilo, kaya tuloy ang trabaho kahit walang proteksyon. Ayon sa mga eksperto, ang kakulangan ng batas at proteksyon para sa informal dismantlers ay malaking problema.
Ayon sa Medicins du Monde, kailangang kilalanin at regulahin ang trabaho ng mga mambabaklas para magkaroon sila ng proteksyon. “Health is not their priority. Food is,” sabi ng organisasyon. Pero habang walang malinaw na hakbang, patuloy na isusugal ng mga manggagawa ang kanilang kalusugan para sa kinabukasan ng kanilang pamilya.