Ang isang 24-anyos na Indian student ay nasawi matapos sumemplang ang kanyang motorsiklo sa isang flyover sa Brgy. Banilad, Cebu City kamakailan. Kinilala ang biktima bilang si Chetan, estudyante sa Cebu.
Base sa ulat ng Cebu City Police, nangyari ang aksidente sa Gov. Cuenco flyover. Kasama ng biktima ang isang kaibigan na sakay din ng hiwalay na motorsiklo. Ayon sa imbestigasyon, mabilis umano ang pagpapatakbo ni Chetan na parang nakikipagkarera.
Dahil sa sobrang bilis at madulas na kalsada dulot ng ulan, nawalan siya ng kontrol at sumemplang. Tumilapon siya sa motorsiklo at tumama ang ulo sa konkretong barandilya ng flyover na agad na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.