Ang iPhone 17 case, binebenta na kahit di pa lumalabas ang mismong phone. Isang gadget shop sa Facebook ang nag-post ng larawan ng mga case para sa iPhone 17 series – kabilang ang iPhone 17 Air, Pro, Pro Max, at regular model – na agad naging usap-usapan online.
Maraming Pinoy ang napa-react at nagtaka kung totoo nga ba ang mga case. Sabi ng isang netizen, "Wala pa 'yung cellphone, may case na? Wow, advance!" Sa Reddit at Threads, marami ring nagkomento na baka galing China ang mga ito dahil sila ang gumagawa ng prototypes.
Ayon sa ibang user, case manufacturers sa China ang unang nakakakuha ng sample design para makapagsimula agad ng mass production. Kaya posibleng totoo na ang design ng iPhone 17 ay matagal nang alam ng ilang kumpanya.
May tech YouTuber din daw na nagpakita ng sample model ng iPhone 17 na ginagamit ng mga case makers. Sa ngayon, inaasahang September 2025 ilalabas ang bagong model ng Apple, kung saan may bagong camera design na naka-horizontal at sumasakop sa buong likod.
Ang mga kasalukuyang iPhone ay kilala sa square camera setup, pero mukhang iiba na ang design sa paparating na iPhone 17. Sa dami ng nabanggit na ebidensya, maraming netizen ang na-excite at natawa sa kung gaano kaaga lumabas ang mga case.