Ang riding-in-tandem ay naaresto matapos mangholdap ng cellphone mula sa isang nagtitinda sa Barangay Bel Air, Makati City noong Lunes ng madaling araw. Ayon kay PCol. Reycon Garduque, hepe ng Makati Police, pauwi na ang biktima nang harapin siya ng mga armadong suspek sa Malugay Street, Barangay San Antonio.
Sinabi ni PCol. Garduque na habang naglalakad ang biktima, kinuha ng mga suspek ang kanyang cellphone. “Tinutukan, hinablot, sabay takbo na ang mga suspek,” dagdag niya. Ang nagmamaneho ng motorsiklo ay nakasuot ng jersey na may logo ng ride-hailing app, na maaaring paraan nila para magmukhang lehitimong driver.
Nagpasaklolo ang biktima sa mga rumorondang pulis, na agad na hinabol ang mga suspek. Sa loob ng tatlong minuto, nahabol ng mga operatiba ang mga suspek dahil sa presensya ng mga pulis sa lugar. Nakumpiska mula sa kanila ang dalawang baril at isang hand grenade, at naibalik din sa biktima ang cellphone na nagkakahalaga ng P14,000.
Sa imbestigasyon, nasangkot na sa kasong possession of drugs at theft ang dalawang suspek. Tumanggi silang magpaliwanag, at nasa kustodiya sila ng Makati Police Station. Nahaharap sila sa mga kasong robbery, illegal possession of firearms and ammunition, at illegal possession of explosives.