Ang planong total ban sa online gambling ay maaaring magdulot ng pagkawala ng trabaho sa humigit-kumulang 40,000 Pilipino, ayon kay Negros Occidental 3rd District Rep. Javi Benitez. Ayon sa kanya, hindi nito maaayos ang problema, bagkus ilalagay lang ang operasyon sa ilalim ng lupa o underground.
Giit pa ni Benitez, ang mga empleyado sa online gambling ay may mga pamilyang umaasa sa kanilang kita. Doon nila kinukuha ang pang-araw-araw na gastusin, gaya ng pagkain, gamot, at iba pang pangangailangan sa bahay. Kaya imbes na ipagbawal, mas mainam daw na i-regulate ang industriya.
Kung magiging legal at kontrolado ang online gambling, puwedeng kumita ang gobyerno ng mahigit P200 bilyon kada taon. Ang buwis na makokolekta ay maaaring gamitin sa ospital, eskuwelahan, mga proyektong pang-imprastraktura, at programang panlipunan para sa mas maraming Pilipino.