Ang isang negosyante sa Bacoor City, Cavite ay binaril at napatay matapos pasukin ng tatlong armadong lalaki ang kanyang tindahan kamakalawa. Kinilala ang biktima sa alyas na “Kurt”, nasa hustong gulang at residente ng Bacoor.
Ayon sa pulisya, abala si Kurt sa loob ng kanyang tindahan nang biglang dumating at pumasok ang tatlong lalaki. Nagkaroon pa ng komosyon bago pagbabarilin ng isa sa mga suspek ang negosyante.
Tinamaan ng bala sa likod ang biktima. Agad siyang dinala sa Asia Medical Center, pero idineklara itong patay ng mga doktor. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa tunay na motibo sa krimen.