Ang isang lalaking may kapansanan o PWD ay binaril at napatay habang nasa gilid ng kalsada sa Barangay Ong Yiu, Butuan City, Agusan del Norte noong Sabado.
Nasa kanyang improvised wheelchair si Renato Macaranga, 50 taong gulang, nang lapitan siya ng hindi pa kilalang lalaki. Pinaputukan siya gamit ang .45 caliber na baril kaya bumagsak siya sa sementadong daan.
Si Macaranga ay gumagamit din ng saklay kapag kailangan niyang bumaba mula sa wheelchair para maglakad. Agad siyang dinala ng mga rumespondeng emergency team sa ospital, pero idineklarang patay na siya ng mga doktor.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Butuan City Police para matukoy kung sino ang may kagagawan ng krimen at masampahan ng kaso.
3c2kzh