Ang isang Chinese national ay nahuli sa entrapment operation na isinagawa ng Highway Patrol Group (HPG) sa Region 3.
Nasabat mula sa suspek ang dalawang carnap na sasakyan, baril, mga bala, droga, at malaking halaga ng pera. Matagal na itong minamanmanan ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na aktibidad.
Ayon sa pulisya, mahalagang ebidensya ang mga nakumpiska sa operasyon. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung may mga kasabwat pa itong kasali sa grupo.
Mahaharap sa mga kaso ang suspek kaugnay ng carnapping, ilegal na pagdadala ng baril, at paglabag sa batas laban sa droga.
Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang Chinese national habang inihahanda ang mga kaukulang kaso.