Ang isang 28-anyos na binata na si Paul ay nasawi matapos pagsasaksakin ng kanyang 17-anyos na kapitbahay na si Dave sa Barangay Sampaga, San Antonio, Quezon, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa pulisya, nakikipag-inuman si Dave sa tapat ng kanilang bahay bandang 7:55 ng gabi kasama ang ilang kapitbahay. Maya-maya ay dumating si Paul at kinompronta si Dave na humantong sa suntukan.
Habang nagkakainitan, nakahawak ng patalim ang menor-de-edad na suspek at sunod-sunod na sinaksak ang biktima sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Matapos ang insidente, tumakas si Dave dala ang patalim. Hindi na naisalba si Paul at binawian ng buhay sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang pinaghahanap ang suspek para panagutin sa krimen.