
Ang live-action na Lilo & Stitch mula sa Disney ay namayagpag muli sa takilya sa ikatlong sunod na linggo, kumita ito ng $32.5 milyon sa North America. Umabot na sa $337.8 milyon ang kabuuang domestic earnings nito at $772.6 milyon sa buong mundo. Sa budget na $100 milyon, isa ito sa pinaka-successful na pelikula ng taon.
Samantala, Ballerina na spin-off ng John Wick ay may mabagal na simula. Sa kabila ng pagganap ni Ana de Armas at magagandang reviews, $25 milyon lamang ang kinita nito sa unang weekend sa US. Mababa ito kumpara sa inaasahang $30M–$35M, at ito ang pinakamahinang opening sa franchise mula pa noong 2014.
Sa international market, Ballerina ay kumita ng karagdagang $26 milyon, kaya ang total worldwide opening nito ay nasa $51 milyon laban sa $90 milyong budget. Malaki ang kailangang habulin para makabawi at magtagumpay sa kita.
Sa kabila ng mahinang simula ng Ballerina, overall box office performance ay bahagyang tumaas kumpara sa parehong weekend noong nakaraang taon. Malinaw na ang Lilo & Stitch ay patuloy na umaani ng tagumpay para sa Disney.
Kung magpapatuloy ang magandang word-of-mouth ng Ballerina, may pag-asa pa itong makabawi. Ngunit sa ngayon, si Stitch pa rin ang reyna (o hari) ng takilya.