
Ang panukala ni Rep. Jonathan Keith Flores: Alisin na raw ang mga general education o GE subjects sa kolehiyo para mas maging handa ang mga estudyante sa kanilang kurso o propesyon. Sa halip na ibalik lang ang tatlong GE subject sa senior high school, dapat daw ay tanggalin na lahat ito sa loob ng limang taon o mas maaga pa.
Ayon kay Flores, mas makikinabang ang mga estudyante kung papalitan ng specialized subjects at mas mahabang internship ang GE. Pwede raw dagdagan ng 90 hanggang 120 araw ang internship para mas maging kompetitibo ang graduates.
Sinabi rin niya na inuulit lang sa kolehiyo ang mga aralin sa high school. Kaya’t hindi na raw kailangan ang GE sa kolehiyo. Idinagdag pa ni Flores na pwede namang ilipat ang GE teachers sa senior high school o kaya ay magsagawa na lang sila ng research o community work.
Nagbigay rin ng komento si Sen. Sherwin Gatchalian, na mas mainam daw na paikliin ang college kaysa tuluyang buwagin ang K-12. Aniya, sayang ang oras at pera ng mga estudyante kung uulitin lang ang mga natutunan nila noong senior high school.
Sa gitna ng mga panukalang ito, muling nabuhay ang usapin kung epektibo pa nga ba ang kasalukuyang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
wgwv9y
5hr4ux