Ang dating Mayor ng Lagayan na si Jendricks Luna ay pinagbabaril sa Barangay Dangdangla, Bangued, Abra nitong Martes ng umaga. Dinala siya sa ospital ngunit idineklara nang patay.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Bangued police ang mga suspek at ang dahilan ng pamamaril. Si Luna ay anak ng dating kongresista Cecilia Luna at tumakbo bilang Sangguniang Panlalawigan noong huling halalan, ngunit hindi nanalo.
Umaksyon ang Philippine National Police sa muling pag-activate ng Task Force Abra para maiwasan ang gulo bago ang 2025 midterm elections sa probinsya.