Ang bagong trailer ng Squid Game Season 3 ay inilabas na ng Netflix sa Tudum 2025. Ito na ang pinakahihintay at final season ng hit Korean survival series, at officially mapapanood sa June 27, 2025.
Bumalik si Gi-hun sa laro, at ayon sa trailer, nasa pinakamadilim na yugto siya ng kanyang buhay. Mas matitindi at mas mapanganib na laro ang kanyang haharapin, kabilang na ang isang gumball machine game na hahati sa mga manlalaro sa red at blue teams.
Kasama pa rin sa cast sina Wi Ha-jun, Im Si-wan, at Kang Ha-neul. Ayon sa creator na si Hwang Dong-hyuk, tututok ang season na ito sa paghahanap ni Gi-hun ng pag-asa, kahit na lahat ng kanyang pinaglaban ay tila nabigo. Tanong niya: "Kaya pa ba ni Gi-hun bumangon at patunayan na may puwang pa rin ang konsensya at kabutihan sa gitna ng karahasan?"
Ang Season 3 ay direktang karugtong ng mga nangyari sa Season 2, kung saan nagtangkang magrebelde si Gi-hun laban sa mga namumuno sa laro — pero nabigo siya at marami ang nasawi.
Ilang linggo na lang, at masasaksihan na natin ang climactic ending ng Squid Game. Dahil sabay raw kinunan ang Season 2 at 3, hindi na mahaba ang paghihintay ngayong taon!