Ang isang buntis na nurse ay nasawi matapos mabundol ng dalawang sasakyan habang siya ay tumatawid sa pedestrian lane sa National Highway, Barangay Taloc, Bago City, noong June 1, 2025 bandang 9:15 ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Maria Angela Buendia, 36 taong gulang, residente ng Purok Proper North, Barangay Taloc. Ayon sa ulat ng Bago City PNP, tumatawid si Buendia nang aksidenteng mabangga ng isang pulang Toyota Avanza na minamaneho ni Philip Jansen Cantiller, 30-anyos mula Bacolod City.
Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima sa kabilang lane, kung saan siya naman ay naapakan ng isang Toyota Yaris na minamaneho ni Salvador Castro, 59 taong gulang mula Pulupandan. Sa tindi ng aksidente, lumabas ang kanyang 6-buwang sanggol mula sa kanyang sinapupunan.
Idineklarang dead on arrival si Buendia pagdating sa Bago City Hospital. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang malaman kung may pananagutan ang mga sangkot na driver.