
Ang kwento namin ni Gelo nagsimula sa simpleng asaran sa library. Lagi niya akong ginugulo habang nag-aaral ako. Pero kahit nakakainis siya, hindi ko maitatangging kinikilig din ako sa pang-aasar niya. Hanggang sa isang araw, bigla na lang siyang naging parte ng araw-araw ko.
Nagkadevelopan kami nang hindi namin namamalayan. Sobrang natural lang — sabay lunch, sabay uwi, sabay tawa. Pero isang linggo siyang nawala sa school. Nang bumalik siya, tahimik at tila may pinagdadaanan. Dito niya sinabi na may problema siya sa kidney at kailangan niya ng transplant. Ayaw niyang ipaalam sa iba, pero sa akin, hindi niya kayang itago.
Dahil mahal ko siya, nagpa-test agad ako kung puwede akong maging donor. At boom! Tugma pala ako. Sabi ko sa kanya, “O ayan, may extra kidney ka na. Libre pa.” Halos maiyak siya sa tuwa. “Sigurado ka ba?” tanong niya. “Oo naman. Kung para sa ‘yo, bakit hindi?” sagot ko. Sabi pa niya, “Pagaling ako, promise. May utang akong milktea sa’yo araw-araw!”
Nang araw ng operation, kabado kami pareho. Pero habang magka-hawak kamay kami bago pumasok sa operating room, alam naming kaya namin ‘to. Pagkatapos ng surgery, pareho kaming pagod at mukhang laspag — pero in fairness, sabay din kaming gumaling. Nagkukulitan pa rin kami kahit may benda sa tiyan.
Habang nagpapagaling kami, naging mas matatag ang relasyon namin. Wala nang hiyaan, wala nang sikreto — literal na binigay ko ang bato ko para sa taong mahal ko. At si Gelo, araw-araw pinaparamdam na hindi nasayang ang desisyon ko. Sabi niya minsan, “Ikaw lang ang kilala kong nagregalo ng kidney out of love… ikaw na talaga!”
Ngayon, balik kulit na si Gelo, mas healthy at mas sweet. At ako? Masaya na kahit isa na lang ang bato ko, buo naman ang puso ko — kasi binigay ko ito sa taong worth it, si Gelo.