Ang isang 48-anyos na lalaki ay inaresto sa NAIA Terminal 3 noong Linggo ng hapon matapos itong magbiro na may granada sa kanyang bag habang sumasakay ng eroplano papuntang Cebu.
Ayon sa Aviation Security Group, sinabi ng pasahero na may granada sa kanyang bag habang inilalagay ito sa overhead bin. Agad itong ini-report ng cabin crew sa piloto.
Tumawag ang piloto sa airport security at airline management para aksyunan ang insidente. K9 dogs ang ginamit sa pag-inspeksyon ng bag pero walang natagpuang bomba.
Ang lalaki ay dinakip ng pulis at nahaharap sa kaso sa ilalim ng Presidential Decree 1727 o Anti-Bomb Joke Law.
Paalala sa mga pasahero: Biro tungkol sa bomba ay seryosong bagay sa mga paliparan at may kaakibat na legal na parusa.