
Ang 40-pound na pusang si Patches ay agad naging viral matapos i-post ng Richmond Animal Care and Control (RACC) ang kanyang larawan sa Facebook. Hindi lang dahil sa kanyang gloriously gluttoness body, kundi dahil sa kanyang nakakatuwang itsura at personalidad. Sa timbang na 40.3 pounds, siya ang pinakamabigat na pusa sa kanilang center.
Kahit siya ay neutered, tested, chipped, at handa nang ampunin, hirap pa ring makahanap si Patches ng permanenteng tahanan. Dahil sa kanyang labis na timbang, kailangan niya ng taong handang tumulong sa kanyang weight loss journey. Sa kabutihang palad, isang babae na nagngangalang Kay Ford ang nagpakita ng interes at agad siyang inampon.
Ngayon, kasama ni Patches ang bago niyang pamilya—isang Yorkshire Terrier na si Bella at ang kanyang ‘twin brother’ na si Wellesley. Gumawa rin sila ng Facebook page na tinawag na Patches’ Journey, kung saan ibinabahagi nila ang progreso ng kanyang veterinary-supervised diet at exercise plan. Target nilang pababain ang kanyang timbang ng 20 pounds.
Ayon sa kanyang bagong pamilya, nakakagalaw pa rin si Patches at hindi siya matakaw. Sa katunayan, medyo mahina pa ang kanyang appetite habang siya’y nag-aadjust. Ngunit sa tamang alaga at pagmamahal, tiyak na magiging masaya at malusog ang kanyang bagong buhay.
Maraming netizens ang natuwa sa bagong simula ni Patches. May nagsabing, "He will thrive with love and commitment!" habang ang iba’y nagdasal para sa kanyang matagumpay na pagbawas ng timbang. Isa siyang patunay na kahit gaano ka pa ‘chonky’, karapat-dapat ka pa rin mahalin.