Ang classic na RPG game na Dragon Quest ay 38 years na ngayong taon. Patuloy itong sikat sa mga fans at isa sa mga kilalang laro ng Square Enix.
Kamakailan, inihayag ng Square Enix Japan na muli nilang ilalabas ang Micro Smile Slime Ice Tray, na dati ay mabilis maubos dahil sa dami ng gustong bumili.
Sa halagang 1,760 yen, makakagawa ka na ng cute na slime-shaped ice sa bahay. Para itong mini slime na frozen at pwedeng gawing pampalamig sa inumin mo.
Ang produktong ito ay available lamang sa Square Enix e-STORE. Kaya kung fan ka ng Dragon Quest o mahilig ka sa cute items, huwag mo itong palampasin!
Ngayon na ang chance mo para magkaroon ng sariling ice cube slime sa bahay — cute na, useful pa!