
Ang Pinoy boxing champ na si Pedro Taduran ay handa na para sa laban upang depensahan ang kanyang IBF mini-flyweight title. Makakaharap niya ang dating kampeon na si Ginjiro Shigeoka sa Mayo 24 sa Osaka, Japan.
Ayon kay Taduran, excited na siya sa laban at matagal na silang nag-eensayo kasama ang kanyang head coach na si Carl Penalosa Jr. Lahat ng galaw at estilo ng kanyang kalaban ay kanilang pinaghandaan.
Sinabi rin ni Taduran na mas pinatindi pa nila ang training para siguraduhing magiging kanila ang panalo. Hindi nila binalewala ang anumang posibilidad mula sa Japanese boxer.
Noong Hulyo 2024, huling naglaban sina Taduran at Shigeoka kung saan nanalo si Taduran sa pamamagitan ng Technical Knockout sa ika-siyam na round.
Kumpiyansa si Taduran na mapanatili niya ang kanyang titulo at mabigyan ng karangalan ang Pilipinas.