
Ang batang Netflix actress na si Millena Brandao, na kilala sa seryeng Sintonia, ay pumanaw noong May 2 sa edad na 11. Inanunsyo ito ng kanyang ina na si Thays Brandao sa Instagram. Ibinahagi niya ang larawan ng anak na may halo at sinabing, “Sigurado akong nasa piling na siya ng ating Dakilang Ama.”
Ayon kay Thays, si Millena ay nagsimulang makaramdam ng matinding sakit ng ulo at pananakit ng mga binti noong katapusan ng Abril. Dinala siya sa doktor at pinagsabihang ito ay dengue fever pero hindi siya isinailalim sa tests. Inutusan lang silang umuwi at bigyan ng gamot.
Habang lumalala ang kondisyon ni Millena, nahirapan na siyang maglakad at nawalan ng gana kumain. Isinugod siyang muli sa ospital nang siya ay himatayin. Pagka-gising niya, sumigaw siya sa sakit sa ulo.
Lumabas sa CT scan na may lamang limang sentimetro ang kanyang utak. Naka-experience siya ng maraming cardiac arrest sa ospital. Sa kabuuan, umabot ito sa 13 at 7 na respiratory arrest sa isang araw. Kalaunan ay idineklara siyang brain dead at tinanggalan ng life support.
Si Millena ay unang lumabas sa TV noong 2023 sa SBT. Maliban sa Sintonia, gumanap din siya sa A infância de Romeu e Julieta at A Caverna Encantada.