Ang isang bakasyunista mula sa Nasugbu, Batangas ay nalunod matapos umanong magka-cardiac arrest habang naliligo sa Panutsutan Beach, Brgy. Balaytigue, noong Biyernes ng umaga, April 25, 2025. Kasama ng biktima ang kanyang pamilya na nag-a-outing nang mangyari ang insidente bandang alas-8:00 ng umaga.
Ayon sa pamangkin ng biktima, habang sila ay nasa 4 feet na lalim ng tubig, bigla na lang nawala ang biktima. Pinaghihinalaan nilang nawalan ito ng malay at inatake sa puso bago tuluyang mapunta sa ilalim ng tubig.
Inabot ng 30 minuto bago narekober ng mga rescuers ang biktima. Agad itong isinailalim sa CPR (cardiopulmonary resuscitation), at mabilis na dinala sa Apacible Memorial District Hospital, pero wala na itong buhay pagdating sa ospital.
Nalaman din na umiinom ng maintenance medicine ang biktima para sa kanyang altapresyon at cholesterol, kaya't posibleng inatake ito ng sakit sa puso habang nasa tubig.