
ANG dahilan kung bakit ‘Weak Hero Class 2’ patok sa Netflix ay dahil sa matinding bromance at personal growth ng characters, ayon kay Park Ji-hoon. Nauna nang umangat ang unang season sa Top 10 charts sa ilang bansa bago pa man lumabas ang bagong season.

Ayon kay Ji-hoon, maraming na-hook dahil sa totoong lalaking friendship na ipinakita sa kwento. Para raw itong bromance na sobrang lalim, parang pagmamahalan na rin sa ibang anggulo. Bukod dito, kitang-kita rin daw ang pagbabago at maturity ng bawat character.

Sa bagong season, si Yeon Si-eun (played by Ji-hoon) ay nag-transfer sa bagong school matapos ang matinding trauma mula sa Season 1. Dito niya nakilala sina Ryeoun, Choi Min-yeong, at Lee Min-jae na naging bagong kaibigan niya at tumulong sa kanyang paghilom. Pero may bago ring kalaban na nagpapainit ulit ng tensyon.

Ang friendship nila off-cam ay kasing solid din sa on-screen. Kwento ni Ryeoun, kahit wala sa eksena, dumayo si Min-yeong mula Seoul papuntang Daejeon para lang suportahan sila. Dahil dito, mas naramdaman daw nila ang genuine connection habang nagsho-shooting.
Sabi ni Min-jae, fan siya ng Season 1 kaya excited siya sa Season 2. Sana raw ay maalala ng viewers ang samahan ng apat na characters, lalo na kung paano nila hinarap ang mga problema — magkakasama, laban sa lahat.