Ang Senator Christopher “Bong” Go ay nagpahayag ng suporta para sa pagkakaroon ng mga permanenteng evacuation centers, lalo na sa mga disaster-prone areas. Sa isang motorcade sa Cainta, Rizal, sinabi ni Go na mahalaga ang mga infrastructure projects na magagamit ng mga tao sa oras ng krisis.
Ayon kay Go, dapat magtulungan upang matugunan ang mga long-term solutions sa mga flood-prone areas ng bansa. Isa sa mga pangunahing proyekto na ipinaglalaban ni Go ay ang mga flood control projects na makakatulong sa mga komunidad na madalas na naapektohan ng baha.
Si Go ay ang principal author at co-sponsor ng Republic Act No. 12076, o Ligtas Pinoy Centers Act, na nagtatakda ng pagkakaroon ng permanenteng, malinis, at ligtas na evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa Pilipinas. Ayon kay Go, ito ay napakahalaga para sa mga lugar na madalas tinatamaan ng baha, tulad ng Cainta, Taytay, at Marikina City.
Inihain din ni Go ang Senate Bill No. 192, na naglalayong magbigay ng Rental Housing Subsidy Program para sa mga biktima ng kalamidad na nangangailangan ng pansamantalang matitirahan. Kasama rin dito ang SBN 188 o ang Department of Disaster Resilience (DDR) Act, na naglalayong magtatag ng ahensiya na tututok sa national disaster preparedness at response capabilities ng bansa.