Nahuli ang 9 na Chinese miners sa Barangay Chua, Bagumbayan dahil wala silang working permit para magtrabaho sa isang mining company.
Ayon kay Brig. Gen. Michael Santos ng 603rd Infantry Brigade, may passport ang mga dayuhan pero wala silang legal na papeles para magtrabaho sa Helen Grace S. Camsa Precious Metal Mining Co.
Ang company ay kasalukuyang nag-e-explore ng copper at gold sa area. Wala namang binigay na update kung gaano katagal nang nagtatrabaho ang mga Chinese sa lugar.
Hawak na ngayon ng Bureau of Immigration ang mga nahuling miners. Sila ay iniimbestigahan kung paano sila nakapasok at nakapagtrabaho ng walang tamang papeles.
Tuloy-tuloy pa rin ang joint operation ng Philippine Army at Immigration para matiyak na legal ang lahat ng foreign workers sa bansa.