Mariing itinanggi ng pamilya ni Anson Que ang mga paratang na siya ay sangkot sa mga ilegal na transaksyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Ayon kay Atty. Jose Christopher "Kit" Belmonte, abogado ng pamilya, wala silang ari-arian sa Bulacan na may kinalaman sa POGO.
Paliwanag ni Belmonte, si Anson Que ay isang respetadong negosyante na matagal nang nagnenegosyo at kilala sa kanyang tulong sa komunidad. Hindi umano siya tumanggap ng negosyo mula sa mga hindi kilala o hindi mapagkakatiwalaan.
Nanawagan din ang pamilya kay publiko na maging maingat at mapanuri sa mga balita at nagsabing patuloy silang makikipagtulungan sa PNP. Hiling nila na bigyan ng privacy ang pamilya sa panahon ng kanilang pagdadalamhati at pagluluksa.
Giit ng pamilya, tapat silang makikipagtulungan sa mga awtoridad, ngunit nais din nilang makuha ang tamang respeto at privacy sa kabila ng mga isyung kasalukuyang hinaharap.