
Denza, ang premium New Energy Vehicle (NEV) brand ng BYD Group, opisyal nang magpapasok ng kanilang sasakyan sa Pilipinas. Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng commitment ng grupo sa pagpapalawak ng access ng bansa sa next-generation mobility solutions.
Ang BYD Philippines Corporation, isang wholly-owned subsidiary ng BYD Group, ang magsisilbing opisyal na distributor ng Denza sa bansa. Inaasahan na ang unveiling ng kanilang unang linya ng sasakyan ay magaganap sa unang quarter ng 2026.
Ayon sa mga opisyal na larawan at homologation papers na lumabas sa Department of Energy, ang initial line-up ay posibleng binubuo ng Denza B5, Denza B8 (Dynamic, Advanced, Premium variants), at Denza D9 (Dynamic, Advanced, Premium variants). Lahat ng ito ay Plug-In Hybrid (PHEV), na nagtataguyod ng mas environment-friendly na pagmamaneho.
Ayon kay Adam Hu, BYD & Denza Philippines Country Head, “Ang hinaharap ng premium mobility ay hindi nasusukat sa sobra, kundi sa katalinuhan. Sa Denza, nakikita namin ang new energy vehicles bilang pagkakataon upang pag-isipan muli kung paano maaaring pagsamahin ang power, comfort, at sustainability sa mas makataong paraan.”
Sa Pilipinas, magsisimula ang Denza sa apat na authorized dealers sa Makati, Alabang, Greenhills, at Cebu. Pinagsasama ng brand ang high-output performance, executive comfort, at modern premium vehicle technology gamit ang kanilang DiSus at e3 platform, na nagrerepresenta ng mas matalino at sustainable na paraan ng pagmamaneho.




