
Ang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ay natagpuan sa isang plastic storage box sa ilalim ng tulay sa Barangay Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte nitong Biyernes ng madaling-araw, Enero 2.
Batay sa imbestigasyon ng Basud Municipal Police Station, bandang 4:30 ng madaling-araw ay napansin ng mga residente ang itim na storage box na palutang-lutang sa ilog. Iniulat ito sa mga otoridad alas-7 ng umaga at mabilis na rumesponde kasama ang SOCO Team.
Sa pagsusuri ng pulis, nakasuot ang biktima ng puting t-shirt at black leggings. Bago isinilid sa kahon, binalot muna ang katawan sa brown na kumot.
May tattoo sa dibdib at balikat ang biktima na maaaring makatulong sa pagkilala dito. Sinusuyod na rin ang mga kalapit na lugar upang alamin kung may ulap ng nawawalang tao o nakasaksi sa pagtatapon ng box sa ilog.
Nananawagan ang Basud MPS sa sinumang may mahalagang impormasyon na makipag-ugnayan agad sa kanilang himpilan. Mahalaga ang kooperasyon ng publiko upang mabilis matukoy ang mga sangkot at mabigyan ng katarungan ang biktima.




