
Ang Detroit Pistons ay dinurog ang Los Angeles Lakers, 128-106, at sinira ang selebrasyon ng ika-41 kaarawan ni LeBron James sa Crypto.com Arena. Cade Cunningham ang nanguna sa panalo matapos umiskor ng 27 puntos.
Kahit naging dikit ang laban at naitabla sa 79-79 sa ikatlong quarter, biglang bumilis ang opensa ng Detroit. Tinambakan ng Pistons ang Lakers 49-27 sa huling yugto, habang sinamantala ang 20 turnovers ng LA para sa 30 puntos.
Aminado si coach JJ Redick na naapektuhan ang Lakers ng mga injury at error. Ayon sa kanya, mahirap bumuo ng identidad dahil sa pabago-bagong rotations at kawalan ng mahahalagang manlalaro.
Pinuri naman ni LeBron James ang Pistons at si Cunningham, tinawag itong “fast, explosive” na koponan. Limitado si James sa 17 puntos, habang si Luka Doncic ang bumuhat sa LA na may 30 puntos, 11 assists, 5 rebounds.
Umangat ang Pistons sa 25-8 para palawigin ang liderato sa Eastern Conference, habang bumaba ang Lakers sa 20-11. Si Marcus Sasser ay nag-ambag ng 19 puntos mula sa bench para sa Detroit.




