Ang mga tagahanga ng Harley-Davidson ay dapat nang magmarka sa kanilang kalendaryo. Sa Enero 15, 2026, opisyal na ilalantad ng kompanya ang mas marami pang bagong modelo ng motorsiklo na siguradong aabangan ng riders sa buong mundo.
Kasunod ito ng “Chapter One” showcase kung saan ipinakita ang 2026 cruisers, kabilang ang Street Glide, Road Glide, Street Bob, Low Rider S, Low Rider ST, Breakout, Fat Boy, at Heritage Classic, pati na rin ang Pan America ST at Pan America Special adventure bikes.








