
Ang Department of Health (DOH) ay nagtala ng 28 fireworks-related injuries (FWRI) hanggang Araw ng Pasko. Ayon sa pinakahuling FWRI Surveillance Report, walo ang bagong kaso na naitala hanggang 4 a.m. ng Disyembre 25 mula sa 62 sentinel hospitals.
Mula Disyembre 21 hanggang madaling-araw ng Disyembre 25, 50% mas mababa ang bilang ng kaso kumpara sa 56 noong kaparehong panahon noong nakaraang taon. Sa kabuuang bilang, 19 (68%) ay 19 taong gulang pababa, habang 9 (32%) ay 20 pataas. Karamihan ng pinsala ay dulot ng five star, boga, at triangle.
Pinayuhan ng DOH ang mga nasugatan na hugasan ang sugat ng malinis na umaagos na tubig, magtungo agad sa pinakamalapit na ospital o health center, at magpa-tetanus shot. Para sa agarang tulong, tumawag sa 911. Hinikayat din ang LGUs na magsagawa ng community fireworks display na hawak ng propesyonal. Samantala, pinaigting ng PNP ang operasyon laban sa ilegal na paputok, at nagbabala na kakasuhan ang lalabag sa Republic Act No. 7183 (Firecracker Law.




