
Ang KENYAN MILITANTENG si CHOLO ABDI ABDULLAH, na may PILOT TRAINING SA PILIPINAS, ay hinatulan ng HABAMBUHAY NA PAGKAKAKULONG sa Estados Unidos dahil sa planong TERROR ATTACK na kahalintulad ng 9/11.
Napatunayang kasapi ng AL-SHABAAB, si Abdullah ay sinanay bilang COMMERCIAL PILOT sa isang FLIGHT SCHOOL SA PILIPINAS mula 2017 hanggang 2019 habang umano’y nagpaplano ng AIRCRAFT HIJACKING sa Amerika.
Ayon sa US DEPARTMENT OF JUSTICE, nagsagawa siya ng masusing ATTACK PLANNING, kabilang ang pag-aaral kung paano BANGGAIN ANG ISANG EROPLANO SA GUSALI at kung paano makakuha ng US VISA.
Si Abdullah ay INARESTO SA PILIPINAS NOONG 2019 at kalaunan ay INEXTRADITE SA US, kung saan siya nahatulan ng CONSPIRACY TO MURDER, AIRCRAFT PIRACY, at iba pang mabibigat na kaso.
Ang AL-SHABAAB, na nakabase sa Somalia, ay itinuturing na TERRORIST ORGANIZATION ng Estados Unidos mula pa noong 2008.




