
Ang Department of Agriculture (DA) ay nagpasya na ipagpatuloy ang sugar import ban hanggang Disyembre 2026. Layunin nito na unahin ang lokal na asukal at suportahan ang mga lokal na producer dahil mas maayos na ang suplay.
Ayon sa DA at kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kailangan ang mas mahabang ban upang mapanatili ang presyo at maiwasan ang sobra-sobrang import habang tumataas ang produksyon ng asukal sa bansa.
Inatasan ang Sugar Regulatory Administration (SRA) na bantayan ang imbentaryo ng asukal sa mga refinery para maiwasan ang hoarding at taas-presyo. Mas paiigtingin din ang pag-monitor ng refined sugar supply.
Batay sa datos, umabot sa 2.015 milyong metriko tonelada ang lokal na produksyon ng asukal noong Hunyo 2025, mas mataas kumpara noong nakaraang taon. Lumawak din ang lupang taniman ng tubo mula 380,000 hanggang 409,000 ektarya.
Inihahanda rin ng DA at SRA ang mga patakaran sa molasses imports. Uunahin munang bilhin ang lokal na molasses bago payagan ang import, at ito ay kailangan ng aprubal




