
Ang Bank Bar, isang sikat na speakeasy bar sa BGC, ay magsasara sa December 27, matapos ang 10 taon ng operasyon.
Binuksan noong 2015 at pinapatakbo ng The Moment Group, nakatago ang bar sa likod ng 7-Eleven stockroom. Mabilis itong nakilala bilang best-kept secret ng BGC, dahil sa quality cocktails at relaxed na vibe, malayo sa maingay na club scene.
Sa isang social media post, ibinahagi ng Bank Bar ang kanilang pasasalamat sa mga naging bahagi ng kanilang biyahe. Ayon sa kanila, ang 10 taon ay tamang oras para tapusin ang kanilang kuwento at pasalamatan ang mga loyal na bisita.
Maraming customers ang nagbahagi ng memories at nostalgia online. May nagsabing “legendary” ang mga kwento sa bar, habang tinawag ito ng iba bilang pinakamagandang speakeasy sa bansa.
Nakilala rin ang Bank Bar sa ibang bansa matapos maisama ng CNN sa listahan ng most intriguing speakeasies in the world. Kilala ito sa signature cocktails tulad ng Mariang Bastos, pati sa kakaibang menu gaya ng Beef Shawarma Rice.




