
Ang IVE ay opisyal nang nag-anunsyo na dadalhin nila ang ‘Show What I Am’ World Tour sa Manila sa April 25, 2026. Gaganapin ang malaking concert sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay, matapos ang show nila sa Malaysia.
Kabilang ang Pilipinas sa unang batch ng tour dates. Kasama rin sa listahan ang Kuala Lumpur, Osaka, at Singapore, habang naghihintay pa ng iba pang petsa. Ang sunod-sunod na anunsyo ay kasunod ng matagumpay na three-night concert ng IVE sa KSPO Dome sa Seoul nitong October 31 hanggang November 2, 2025.
Lumabas din nitong taon ang IVE SECRET, ang kanilang ika-apat na EP, noong August 25, 2025. Kaya naman mas inaabangan ng fans ang kanilang pagbabalik-tanghalang global tour.
Para sa tickets, nagsisimula ang presyo sa ₱3,000 hanggang ₱17,500. Pinakamahal ang SVIP Package na may kasamang soundcheck pass, VIP laminate, lanyard, dedicated merch lane, at early entry. May iba’t ibang options din tulad ng SVIP Floor Standing, VIP A, VIP B, Box, at Upper Box.
Magbubukas ang Live Nation Philippines pre-sale sa January 7, 2026, mula 10:00 AM hanggang 11:59 PM. Para naman sa general on-sale, magsisimula ito sa January 8, 2026, 10:00 AM. Mabibili ang tickets sa livenation.ph.
