
Ang Netflix ang nanalong bidder para sa Warner Bros. Discovery (WBD) matapos mag-offer ng humigit-kumulang $28 per share. Dahil dito, papasok ang Netflix sa exclusive talks para bilhin ang kumpanya.
Laking panalo ito dahil kasama sa deal ang Warner Bros. Studios at ang buong HBO Max streaming service. Ibig sabihin, mapupunta sa Netflix ang malalaking IP tulad ng DC Comics, Harry Potter, at ang buong HBO library. Mas lalo nitong pinalakas ang posisyon ng Netflix laban sa mga kalaban tulad ng Disney.
Tumindi ang kompetisyon lalo na dahil pumalag ang Paramount Global sa bid. Pero sa huli, nakuha pa rin ng Netflix ang pinakamahalagang assets na magpapalakas sa kanilang content lineup.
Malaking hakbang ito para mapanatili ang paglago ng kanilang subscribers at para mas maging malakas na lider sa streaming industry.
Sa pagkuha ng WBD at HBO Max, mas lumalapit ang Netflix sa pagiging pinaka-dominanteng streaming platform sa buong mundo.




