
Ang beauty queen na si Ahtisa Manalo ay nagbigay-linaw sa isyu tungkol sa umano’y pagtanggi niya sa Miss Universe Asia title. Sa panayam kay Boy Abunda, ibinahagi niya rin kung sino ang tinuring niyang pinakamalakas na kalaban—si Miss Venezuela Stephany Abasali.
Ayon kay Ahtisa, madalas niyang mapansin si Venezuela dahil nanalo rin ito sa Miss International noong sumali siya. Para sa kanya, “para siyang manika” at sobrang ganda nito kaya ramdam niyang malakas talaga itong contender.
Kasabay nito, sinagot niya ang kumakalat na sabi-sabing tinanggihan niya raw ang Miss Universe Asia title. Nilinaw ni Ahtisa na “hindi ito in-offer sa kanya kahit kailan.” Kwento niya, nag-assume lang siya noon at napag-usapan pa nila ni Jonas Gaffud na tatanggihan sana nila kung iaalok, pero wala naman talagang alok na nangyari.
Idinagdag din ni Ahtisa na hindi siya nadismaya sa Miss Universe journey niya. Masaya siyang naabot ang pangarap na irepresenta ang Pilipinas, at ang focus niya talaga ay maging Miss Universe 2025. Para sa kanya, normal lang ang drama sa kahit anong bahagi ng buhay, kaya naka-focus lang siya sa goal.
Matapos makuha ang 3rd runner-up placement, ibinahagi ni Ahtisa ang mga alaala ng kanyang journey at nangakong ipagpapatuloy ang trabaho sa Alon Akademie, isang non-profit na tumutulong sa kabataang mula sa low-income families upang magkaroon ng pantay na oportunidad.




