
Ang kilalang Nigi Nigi resort sa Boracay ay magpapaalam na sa orihinal nitong lokasyon matapos ang 36 taon. Inanunsyo ng resort na magsasara ang lugar sa Nobyembre 15.
Hindi dapat mangamba ang mga suki dahil lilipat lang ang Nigi Nigi sa bagong spot malapit sa Station 3, katabi ng kanilang sister property na Nigi Nigi Too. Ayon sa resort, “Hindi ito katapusan, simula ito ng mas maganda.”
Matagal nang paborito ang Nigi Nigi sa Station 2 dahil sa chill vibe, Polynesian-style rooms, at sikat na beach bar na pinupuntahan ng locals at tourists.
Bilang pagdiriwang ng paglipat, magkakaroon sila ng 4-day beach party mula Nobyembre 14–17, kasama ang tugtugan, sayawan, snacks, at libreng shots kada 30 minutes.
Kasabay nito ang pagbubukas ng bago nilang bar at restaurant sa Nobyembre 16. Inaanyayahan nila ang lahat na mag-toast para sa panibagong yugto ng Nigi Nigi sa Boracay.




