
Ang duo na Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang nagkampeon sa PNVF Beach Volleyball Invitational matapos nilang humabol mula sa isang set pababa at talunin sina Sunny Villapando at Dij Rodriguez, 11-21, 21-15, 15-6, sa finals sa Nuvali Sand Courts sa Laguna.
Panalo na ito ng Rondina-Pons pair ngayong taon, matapos din silang mag-gold noong Mayo sa isa pang PNVF event kung saan tinalo rin nila sina Villapando at Rodriguez. Sa tournament ngayon, sinweep nila ang Pool A, tinalo ang UST duo sa quarterfinal, at dinaig ang Alas teammates sa semifinal.
Sa men’s division, nagpakitang-gilas sina Ranran Abdilla at James Buytrago, matapos talunin sina Ronniel Rosales at Rancel Varga, 21-12, 21-10. Hindi sila naka-drop ng kahit isang set mula pool games hanggang finals.
Nakakuha ng third place ang Alas 3 duo na Kly Orillaneda at Gen Eslapor matapos talunin sina Polidario at Gaviola, 21-17, 21-12. Sa men’s side, sina Aldwin Gupiteo at Lance Malinao ang kumumpleto sa podium matapos ang dikit na panalo, 19-21, 21-19, 18-16.
Ang dalawang araw na laban ay naging magandang paghahanda para sa Southeast Asian Games sa Thailand sa susunod na buwan. Kakatawan sa Pilipinas sina Rondina at Pons, at Rodriguez at Villapando sa women’s; habang sina Buytrago at Abdilla, at Rosales at Varga naman para sa men’s division. Ang beach volleyball event ay gagawin mula December 12–19 sa Bangkok.




