
Ang Bagyong Tino nagdulot ng matinding baha at landslide sa Visayas, lalo na sa Cebu. Aabot sa 48 ang namatay, maraming nawawala, at libu-libong pamilya ang lumikas sa ligtas na lugar. Karamihan sa mga nasawi ay nalunod o nabundol ng bumagsak na debris.
Sa Cebu City, ilang barangay tulad ng Cogon Pardo, Sapangdaku, Talamban, Guadalupe, Bacayan at Kalunasan ang labis na naapektuhan. May mga pamilya na nalunod matapos mabuwal ng baha, kasama ang isang apat na buwang sanggol. Sa Compostela, Danao, Talisay at Mandaue, daan-daang tahanan ang nasira at maraming residente ang nawalan ng tirahan.
Sa Bohol, mahigit 215,000 katao o 43,000 pamilya ang lumikas sa mga evacuation center. Isa ang nasawi, isang barangay tanod sa Panglao, matapos matamaan ng bumagsak na niyog habang naglilinis ng debris. Sa Eastern Samar, 30 porsyento ng bahay sa Guiuan island barangays ang nawasak.
Libo-libong tao rin ang stranded sa mga pantalan dahil sa itinigil na biyahe ng barko at ilang domestic at international flights ang kinansela sa Cebu at ibang lugar. Maraming paaralan ang nagsuspinde ng klase upang mapanatiling ligtas ang mga estudyante.
Bagyong Tino ay patuloy na lumilipat patungong Sulu Sea na may hangin hanggang 130 kph at malalakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng landslide at baha. PAGASA nagbabala na posibleng magtuloy-tuloy ang malakas na ulan at peligro sa dagat.




