Ang Nothing Phone (3a) Lite ay ang pinakabagong smartphone mula sa brand na Nothing, na dinisenyo para maging mas abot-kaya at simple pero hindi nagpapahuli sa performance. Bahagi ito ng mid-range lineup ng kompanya at mas mura kumpara sa Phone (3) at (3a).
May glass finish at ang kilalang Glyph interface, kaya panalo pa rin sa design at transparency look na kilala sa mga Nothing phones. May 6.77-inch AMOLED display na may 120Hz refresh rate at hanggang 3,000 nits brightness, kaya malinaw at smooth ang viewing experience.
Sa performance, gamit nito ang MediaTek Dimensity 7300 Pro 5G chipset, na medyo mas mababa ang power kumpara sa Snapdragon 7s Gen 3 ng mas mahal na modelo. Ang charging speed ay 33W at ang camera setup ay may 50 MP main, 8 MP ultra-wide, at 2 MP macro lens, kaya swak sa basic photography needs.
Tumatakbo ito sa Nothing OS 3.5 (Android 15) at may 3 taon ng major updates at 6 taon ng security patches — perfect para sa mga gustong tumagal ang phone nila. May feature din itong Essential Key at Essential Space, isang AI-powered hub para sa notes at personalized tips.
May 5,000 mAh battery ito na kayang umabot sa 50% charge sa loob ng 20 minuto. Mabibili na ang Nothing Phone (3a) Lite sa halagang ₱19,000 (8GB + 128GB) at ₱21,000 (8GB + 256GB) sa mga official store at authorized dealers.





