
Ang BTS ay nagbabalak ng kanilang pinakamalaking world tour sa 2026, kasabay ng bagong album na inaasahang ilalabas sa Marso 2026.
Ayon sa mga ulat, ang grupo ay nagre-record na ng bagong kanta nitong mga nakaraang buwan. Balak nilang magsagawa ng 65 concert shows sa buong mundo, kung saan mahigit 30 concerts ay gaganapin sa North America.
Pahayag ng Big Hit Music, hindi pa kumpirmado ang buong detalye ng tour. “Ang mga petsa at bilang ng concert ay patuloy pa naming pinag-uusapan,” ayon sa kanilang opisyal na mensahe.
Ang huling studio album ng BTS ay “Be” noong 2020, na umabot sa No. 1 sa Billboard 200. Huling nagtanghal bilang kumpletong grupo ang BTS noong Abril 2022 bago sila nagsagawa ng military service.
Noong Hulyo 1, 2025, muling nagsama-sama ang grupo matapos ang serbisyo militar. Maraming fans ang sabik sa kanilang grand comeback sa 2026 na siguradong magbibigay ng record-breaking na tour at bagong musika.




