
Ang MOA Complex sa Pasay patuloy na nagdadala ng bagong karanasan para sa pagkain, art, at relaxation. Mula sa paglalakad sa baywalk hanggang sa kainan by the bay, maraming pwedeng ma-enjoy dito lalo na sa paglubog ng araw.
Sa Conrad Manila, matatagpuan ang exhibit na “Her Hands: A Loom of Stories” hanggang Nobyembre 15. Tampok dito ang 34 artworks ng pitong babaeng artist. Kasabay nito, may afternoon tea experience kung saan pwede tikman ang baked oysters, lamb chops, beef tenderloin, lapu-lapu, signature burger, cakes, panna cotta, at iba pa.
Sa Lanson Place Mall of Asia, pwede namang mag-relax sa Bytes na bukas mula 11 a.m. hanggang 8 p.m. Dito makakain ng paboritong Pinoy merienda tulad ng Dinuguan, Arroz Caldo, Chori Burger, Chicken Adobo Egg Drop, at Palabok. Perfect ito para sa casual na kwentuhan o light snack.
Nagkaroon din ng relaunch event kung saan ipinakita ang Pares | Cork & Comfort Dinner Pairing na may presyo na ₱2,800 kada tao. Tampok ang Adobong Liver Pâté, Flaky Beef Empanada, Gourmet Tuyo Pasta, Bibingka Cheesecake, at iba pa na ipinares sa wine tulad ng Chardonnay, Merlot, Shiraz, at Moscato.
Ang MOA Complex ngayon ay hindi lang para sa shopping at entertainment kundi para rin sa art, kainan, at relaxation na swak sa lahat ng bisita.